Ang Pilipinas ay mayroong tatlong mga kalakhang pook na tinukoy ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad o (NEDA).[1]
Pinakamalaking conurbation o aglomerasyong urbano ang Kalakhang Maynila sa bansa, at ang kinikilalang kalakhang pook nito ay binubuo ng lungsod ng Maynila at 15 mga karatig-lungsod at bayan ng Pateros. Pangalawang pinakamalaking pook urbano ang Kalakhang Cebu na matatagpuan sa Kabisayaan, habang pumapangatlo naman ang Kalakhang Dabaw na nasa Mindanao.
Ang opisyal na kahulugan ng bawat kalakhang pook ay hindi laging sumusunod sa tunay na saklaw ng patuloy na urbanisasyon. Halimbawa, matagal nang umabot ang built-up area ng Kalakhang Maynila sa mga kalapit na lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna, at Kabite, lampas sa kinikilalang mga hangganan nito.[2]
Binawas ang bilang ng mga kalakhang pook sa Pilipinas sa kasalukuyang tatlo batay sa 2017-2022 Philippine Development Plan ng NEDA, mula sa dating labindalawa (18) noong 2018. Ang labing walong na iba pang mga kalakhang pook ay Kalakhang Angeles, Kalakhang Bacolod, Kalakhang Baguio, Kalakhang Batangas, Kalakhang Butuan, Kalakhang Cagayan de Oro, Kalakhang Dagupan, Kalakhang Heneral Santos, Kalakhang Iloilo–Guimaras, Kalakhang Laoag, Kalakhang Legazpi, Kalakhang Lucena, Kalakhang Naga, Kalakhang Olongapo, Kalakhang San Pablo, Kalakhang Tacloban, Kalakhang Tuguegarao at Kalakhang Vigan.[3]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Higher than other estimates, which are largely limited to the National Capital Region. Continuous urbanization extends into Cavite, Laguna, Bulucan [sic] and Rizal.
{{cite web}}
: Unknown parameter |dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search